Monday, December 8, 2008

Analysis (next level na!)

date: dec 7 2008
17 days na lang pasko na!. (im so excited)

sa araw na ito ay wala. isang walang araw!. ang araw na ito ay wala. hahahaha!Ü. paulit-ulit lang ako. TAE!. eniways, pano ba ito simulan?. ang araw na ito ay nagsimula ng bonggang bongga kasi frst time ko narinig ang word na "EBA PONDA!" oh ayos di ba?. sabi yan ng mga ELITES aka the highly socialized and well known people of tambo, in other word "mga tambay!"hahaha!Ü yung PONDA eehhh parang...

....


....


mahirap magsalita! baka mabasa. hehehe. basta kilala niyo na (ung mahilig sa berry pie). hahaha!Ü. eniways ang araw na ito ay araw na kung saan ang lahat ng tao ay manunuod (kasi mga 9 pa lang to ng umaga at kakagising ko lang at di pa ako nagtututbrush.) ng laban nila pacman (di ko alam ung spelling ng pangalan niya e. sorry) at ni oscar dela hoya (complete name!. syempre gwapo e) sa las vegas ata. sideline muna tayo ng konti..

alam niyo ba kung ano ung las vegas?. actually las vegas is...


the last rice. "las vegas!" hahaha.

after ng isang malungkot na joke, madami ang nagsabi na sa araw na ito ay holiday para sa mga hold-uper at mga magnanakaw at manggagantso. d buh?. sosyal naman nila, may holiday, parang bonifacio day lang ha?!. lumelevel ang mga ito!. eniways hinihintay lahat ng mga tao sa bahay ang laban na ito kasama dyan ang mga BADING. hindi ko maimagine kung bakit gusto nila manuod ng laban, siguro dahil nakatopless si manny. hahahaha. si manny talaga!. hahaha. nang magsimula na yung game ang mga bading naghiyawan.

"waaaaahhhhh!!!!" sabi nilang lahat. "si karylle kakanta na!" sabi ng isang bading. "kaya pala." sabi ko sa utak ko. si karylle ang inaabangan. pagkatpos ng kanta. "hahaha. t@#4* i*^$ boses yan. parang si babaroti lang ha!. ang laki. hahahah" sabi ni jonross. (kilala niyo na sya, ung sa blog ko sa "matador". andun sya.) "hahaha. boses tubo!" sabi ni archie (ito ay bading na malaking panga. parang aligator!).

nung nasa 5th round na (sa round na ito ay medyo patay na si papa oscar kasi hindi na sya sumusuntok. aaayyy! sayang naman! :'( ) may isang bading ang nagsabi "pun#@ta yan si pacquiao, lahat sinisira ang mukha, palibhasa panget kaya lahat ng makakalaban niya, winawasak ang mukha." "kaya nga! sinira niya mukha ni morales at barera at ngayon si oscar." sang-ayon ng isang bading "subukan niya lang dumaan ng tambo, haay subukan niya lang , tignan niya!" panakot ng isang bading "ano ang gagawin mo sa kanya?" tanong ko. "haayy.. uubusin ko lakas niya!. nang bonggang bongga!" sagot niya. hahahaha.

bumaba ako kasi ang ingay ng mga bading. grabe!.

"ayun! sige! sapol! sapol! wala na! wala na!" sabi ng lolo ko na parang nasa las vegas lang. hahahaha. "wala na yan. mahina na. hindi na niya kaya." sabi naman ng tito ko na parang coach ni manny. hahaha. ayos ng bahay namin no?. parang na sa ring lang kami.


commercial break..


"kaw kasi charing, ang pinapanuod mu yung hindi hahaha hihihi na palabas. nakakabobo yun!" sabi ng lolo sa lola ko na nagtatalo sa pinapanuod ng lola ko. gets niyo?. (yung haha hihi ay palabas na puro tawanan at iyakan. gets?) sabi ko sa utak ko, na sa tingin niyo na medjo baliw ako sa araw na ito kasi kanina ku pa kinakausap yung sarili ko, "kanina nagkakasundo sila taz ngayon galit galit. ayos yan!" at di nga ako nagkamali. nagka-ayos din sila. grabe talaga kapangyarihan ni pacman, infairness!Ü. lahat pinagaayos! parang DYOSA lang. hahaha.

nilipat ko yung channel ng tv at nanuod na lang ako ng ASAP. ang una kong nakita ay si kim chiu! (of all bakit sya pa?!) kaya nilipat ko. i mean nanuod n lang ako ng dvd at tuluyan n akong nakatulog..

paggising ko...

wala..

wala na ako ginawa. sabi ko sa inyo e. walang kwenta tong blog na to..

ingat

coco

No comments: