Wednesday, December 3, 2008

book ko..

manila's best author of all times (may ganun?!)

pagbibinata ng isang BADING

written by: choco
(ang pinakamaganda)
CHAPTER 1

simula pa noong bata ako, nasabi ko na sa sarili ko na ako'y iba. hindi ako normal tulad ng ibang tao na nasa paligid ko. "hoy berto bumangon ka na dyan at papasok ka pa sa eskwelahan mo." sigaw ni nanay na naglalaba ng aming mga uniform para bukas. "malalate ka na kaya bumangon ka na at maligo." pilit pa rin akong ginigising. "ano ba? kapag hindi ka pa nagising dyan, bubuhusan kita ng kumukulong tubig ng malapnos yang mukha mo!" galit na galit na sigaw ni nanay. "ayan na. gising na. ang oa nito. kaw kaya buhusan ng ganun ewan ku lang kung hindi ka pa magising." sagot ko sa takot ni nanay na napapansin kong paakyat na ng hagdan.

hala andyan na sya (parang sa horror movie lang). agad akong tumayo at nagunat. "haaay!. sarap matulog." bulong ko habang pababa ng hagdan. "ano ka?! pag di pa kita tatakutin hindi ka magigising? umayos kang bakla ka baka hindi kita matantya at pasabugin ko mukha mo." galit na galit na sabi ni inay nang nagkasalubong kami sa hagdan. "easy lang mommie, im awake na. can't you see? the beautiful is already here." banat ko kay nanay. alam ko si nanay ay iba at alam ku lahat ng kanyang mga takot ay hindi niya gagawin kasi nga nanay ku siya.

yun ang akala ko. sinampal niya ako at inambahan na suntukin. "ang landi mo kang bakla ka! daig mo pa mga hostes sa kanto. beautiful ka dyan. lalaki ka at hindi ka babae." sigaw ni nanay habang walang tigil niya akong sinasampal. "but mom...." ingit ko. "but but ka dyan!. maligo ka na at kumain!. late ka na! " utos ni nanay pababa ng hagdan. Buti na lang hindi ako nalaglag ng hagdan kung hindi wasak lalo ang aking malaporcelanang mukha.

pagkatapos kong kumain at maligo, nagbihis ako at nagsimulang magayos ng mukha. kasama na doon syempre ang paglalagay ng make-up para MAGANDA. pagtapos ng lahat ng dapat kong gawin, sinubukan kong silipin ang aking crush. nakatira siya sa kabilang bahay at kaibigan ng kuya ko. ang pangalan niya ay si ramon. si ramon ay 4th year highschool na sa eskwelahan na pinapasukan ko. magaling syang kumanta at maglaro ng basketball. minsan natsetsempohan ko syang nagbibihis sa kabilang bintana na katapat ng bintana ng kwarto ko. pagsilip ko...

OMG!. naka tapis lang siya at nagsusuot ng brief. agad akong bumalik sa upuan ko at baka makita niya akong naninilip. pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. "anu ba tong ginagawa ko?" tanong ko sa sarili ko. hindi ko na talaga kaya. tumayo ako at tumapat sa bintana ko. pagsilip ko ulit..

"hi berto." sabi ni ramon na nakasmile sa akin at kumakaway ang kamay. "papasok kana?" patuloy syang nagsasalita at nagtatanong sa akin habang ako ay tulala sa makikisig niyang mga braso at gwapong mukha (kasama na doon ang kanyang kissable lips at magagandang mata). "ha? ako? oo papasok n ako" pagulat kong sinagot na parang nagising sa isang mahabang pagtulog.

"sabay tayo?" tanong niya sa akin. na ako pagkatapos niyang tanungin ay kinilig sa loob ko at pinipilit na labanan ang landi sa sarili ko. alam ko na alam niyang bading ako pero nakakahiya namang maglandi at ipakita sa kanyang patay na patay ako sa kanya. "tayol lang? sabay?" tanong ko sa kanya para malaman kung sigurado talaga siya sa sinasabi niya. "basta libre mo ko!" sabay sagot niya ng ganun na sa tingin ko ay parang kumulo ng konti ang aking blood. as in superlative na tumaas ang aking presyon. "ASA KA NAMAN!" sigaw ko sa kanya at sabay sara ng bintana.

kala niya ang gwapo niya para ubusin ko ang pamasahe ko sa kanya. asa naman siya no!. Pagkaabot sa'kin ni nanay ng baon at pamasahe ay agad kong binkusan ang pinto at nagpaalam na kay nanay. "alis na po ako!" sabi ko kay nanay.

"ayaw mo talaga akong isabay?" tanong ng isang lalaki na kilala ko ang boses kasi kakausap lamang namin kanina. "wala akong pamasahe. tae ka!." pagalit kong sinabi sa kanya sabay tingin sa kanyang magagandang mata na may smile sa mukha. "edi lilibre kita."

to be continued...



1 comment:

Anonymous said...

easy lang mommie, im awake na. can't you see? the beautiful is already here."

- parang baes